TINGNAN: Pangulong Duterte, bumisita sa puntod ng mga magulang bago ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa Undas

Humabol si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpunta sa Roman Catholic Cemetery, sa Brgy. 8-A Father Selga Lungsod ng Davao bago ang temporaryong pagsasara sa lahat ng mga sementeryo at kolumbaryo ng bansa simula ngayon hanggang sa November 4.

Pasado alas-6 kagabi nang dumating ang Pangulo sa musoleyo ng mga magulang nito na sila Soledad “Nanay Soleng” Duterte at dating Gobernador Vicente Duterte.

Nag-alay ng bulaklak at dasal ang Presidente kasama ang common-law wife na si Honeylet Avanceña at Senador Bong Go.

Mahigpit na security at health protocol naman ang ipinatupad sa nasabing lugar upang maiwasan ang posibleng transmisyon ng coronavirus disease (COVID-19).

Base sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) Resolution 72 at Executive Order 52-A series of 2020 ng Lungsod ng Davao, magpapatupad ng temporary closure sa lahat ng sementeryo at kolumbaryo sa bansa mula October 29 hanggang November 4 upang maiwasan ang mass gathering kasabay ng pag-obserba ng All Saints at All Souls Day.

Photos courtesy of Senator Bong Go

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.