TINGNAN: PNP Health Service Director, kumpiyansa sa bakuna ng Sinovac na itinurok sa kanya

Nagpahayag ng kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) Health Service Director Brig. Gen. Luisito Magnaye sa bakuna ng Sinovac ng China na itinurok sa kanya ngayong umaga.

Si Brig. Gen. Magnaye, kasama sina PNP General Hospital Chief, Dr. Lt. Col. Cleto Manongas, at PNPGH Deputy Chief Dr. Lt. Col. Raymond Ona ang nanguna sa mga PNP health workers na binakunahan sa paglulunsad ng vaccination program ng PNP.

Ayon naman kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kumpleto na ang mga nagboluntaryo na mabakunahan ng inisyal na 800 dose ng bakuna na alokasyon ng PNP General Hospital.

Ito ay mula sa unang 600,000 “dose” ng bakuna ng Sinovac na dumating sa bansa kahapon.

Siniguro naman ni Eleazar na magagamit nila ang lahat ng bakuna na naka-allocate sa kanila.

Inulat pa ni Eleazar na tumaas din sa 72 poryento ngayong linggong ito, mula sa 70 porsyento noong nakaraang linggo, ang kanilang mga tauhan na pabor na mabukanahan ng Sinovac, base sa kanilang huling survey.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.