TINGNAN: Unang batch ng bagong Sikorsky Blackhawk helicopters ng Air Force, dumating na sa bansa

Dumating na sa Clark Airbase kahapon ang unang lima sa 16 na bagong Sikorsky Blackhawk helicopters ng Philippine Air Force (PAF) na binili mula sa Poland.

Limang helicopter ang sakay ng Antonov heavy transport plane na dumating kahapon, habang ang pang-anim na chopper ay isinakay sa barko at inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Ang nalalabing 10 helicopter ay inaasahan namang ide-deliver sa first quarter ng susunod na taon.

Ang 16 na helicopter na binili mula sa Polish company Polskie Zaklady Lotnicze Sp.z.o.o, na lisensyado ng Sikorsky USA, ay bahagi ng $241,461,699.39 government to government na kontrata sa Poland.

Ang mga bagong helicopter ay inaasahang makapagpapalakas ng kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng mga combat missions, humanitarian assistance, at disaster response, at mga aktibidad na pang suporta sa laban ng pamahalaan kontra sa COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.