Tiniyak ng Palasyo na di na mauulit ngayong MECQ ang abot langit na singil sa kuryente ng Meralco noong unang ECQ

Siniguro ng Malacañang sa publiko na hindi na ulit mangyayari ang labis na electricity charges ng MERALCO ngayong ibinalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR at ilang mga kalapit probinsya.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa harap ng umiiral ngayong quarantine set up.

Kung tutuusin ayon kay Roque ay naging maagap ang gobyerno tungkol sa nakakalulang singil sa kuryente noong unang implementasyon ng ECQ at MECQ at hindi naman nakalusot.

Agad naman aniya itong nasita partikular ng Energy Regulatory Commission (ERC) makaraang dumagsa ang kaliwat-kanang reklamo hinggil dito.

Agad naman ani Roque na iniutos ng ERC sa Meralco na i-refund ang napakataas na singil nila sa kanilang mga consumer.

Matatandaan na dahil sa estimated reading, ikinagulat ng publiko ang nakalululang bill sa kuryente ng naturang electric company sa unang bahagi ng pagpapatupad ng ECQ at MECQ.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.