Tiyansa na maipasa ang Death Penalty bill sa Senado, 50-50 ayon kay Sen. Zubiri

Naniniwala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na 50-50 ang tiyansang maipasa Senado ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.

Ginawa ni Zubiri ang naturang pahayag, matapos muling mabuhay ang debate tungkol sa death penalty, dahil sa nangyaring pamamaril ng isang pulis sa sibilyang mag ina sa Tarlac, kamakailan.

Giit ng senador, bukas siya sa posibilidad na pagdebatehan ito sa senate floor, at hindi niya ito haharangin kahit hindi siya pabor sa death penalty…

Naniniwala kasi siyang mas mainam na ayusin muna ang justice system sa bansa, bago ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

Pinunto ng mambabatas, ang panganib sa posibleng paghahatol ng death penalty sa isang indibidwal na naakusahan lamang ng mali, kung hindi aayusin ang criminal justice system sa bansa.

Sa ngayon, mas nais ni Zubiri na matuloy na muna ang panukala niyang magkaroon ng mala-alcatraz na prison facility o isang kulungan na itatayo sa isang isolated na islang lugar, para sa mga nahatulan ng dahil sa heinous crimes.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.