Tolentino sinagot si Hontiveros: May recovery plan si Pangulong Duterte

Ipinagtanggol ang administration ni Senator Francis Tolentino si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kritisismo na wala itong malinaw na recovery plan para maibangon ang bansa dulot ng epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang interpelasyon kay Senadora Risa Hontiveros, sinabi ni Tolentino na mali ang pahayag ng opposistion senator na walang nabanggit ang Pangulo na recovery direction sa kanyang ikalimang Station of the Nation Address (SONA).

“Sa narinig ko sa SONA, napakarami pong guidelines na inilatag ng Pangulo, lalo na sa ekonomiya,” sabi ni Tolentino.

Isa aniya sa mga nabanggit ni Duterte ay ang pagpapalakas sa “Build, Build Build” program ng pamahalaan na makakatulong sumigla ang economic activity sa bansa.

Binanggit din umano ni Duterte ang paggamit sa coco levy fund at ang P66 bilyong agriculture stimulus fund bilang bahagi ng plano ng Pangulo na maibangon ang mga Pilipino sa kahirapan.

Itinulak din aniya ni Duterte ang pagpapaganda ng internet connectivity sa bansa, pagpapautang sa mga small at medium enterprises at paperless transaction sa gobyerno.

“Ito po ay pagpapatunay na bagama’t inaabot tayo ng isang napakalakas na unos, mayroon pong markers na inilagay ang ating Pangulo kung saan tayo pupunta,” diin ni Tolentino.

Samantala, ang desisyon umano ni Duterte na ipatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit na lalawigan ay malinaw na senyales na pinahahalagahan nito ang buhay ng mga Pilipino.

“Binanggit ng Pangulo na dapat i-prioritize ang buhay kumpara sa ibang konsiderasyon. Ito’y napatunayan nang nagbigay ng puwang ang Pangulo sa hiling ng ating medical frontliners na mag-adjust patungong MECQ,” sabi ni Tolentino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.