Total Asset ni VP Robredo, tumaas noong nakaraang taon

Bahagyang lumaki ang total asset o yaman ni Vice President Leni Robredo noong nakaraang taon.

Ito ang nilalaman ng kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2019.

Base sa kanyang SALN, tumaas sa P15.4 million ang total asset ng bise presidente sa taong 2019, kumpara sa P14.2 million noong taong 2018.

Tumaas din ang net worth ni Robredo, kung saan mula sa dating P2.3 million noong 2018 ay naging P3.5 million ito noong 2019.

Sa ilalim ng kanyang assets, lumaki ang kanyang cash sa P8.5 million mula sa dating P7.3 million.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.