Trading ng ABS-CBN sa Philippine Stock Exchange, sinuspinde na

Hindi muna pinayagan ng Philippine Stocks Exchange (PSE) na makasama sa trading ngayong araw ang kumpanya ng ABS-CBN.

Ito ay matapos ibasura ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang franchise application nito noong Biyernes.

Sa media advisory ng PSE, sinabi nitong hindi nila muna pinayagang makapasok sa trading ng stocks ang ABS-CBN Corp., dahil wala itong government franchise na isa sa mga dapat ay hawak ng media network.

Bukod sa trading ng giant network, hindi rin muna nito pinayagan ang pagbebenta ng Philippine Depository Reciept o PDR.

Matatandaan na naging isyu sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbebenta ng ABS-CBN ng PDR nito, dahil sa pagbebenta sa mga dayuhan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.