Transport group, nagbantang susunugin ang mga jeep kung patuloy na babalewalain ng gobyerno

Sinasabi ng ilang driver ng jeep na susunugin ang kanilang mga unit bilang protesta sa gobyerno sa umano’y pagpapaikot-ikot sa kanila kung papayagan pa silang bumiyahe sa gitna ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Idinaing ni Efren de Luna, national president of Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), na wala silang nakikitang plano sa kasalukuyang pagbabawal sa mga jeep na makabiyahe dahil sa pandemic kasabay ng pagdadagdag ng gobyerno ng mga ruta para sa bus at modern public utility vehicles (PUVs).

“Talagang sinabi natin ‘yan [na susunugin na lang namin ang aming mga jeep]. Huling hirit naman iyon, kung patuloy na babalewalain ang mga traditional jeepney, ibabalagbag namin ito sa gitna ng kalsada,” ani De Luna sa panayam.

“Okay lang naman na kami ang mahuli [na payagan bumiyahe], basta bigyan kami ng pagkakataon na kami ay makalabas [para sa byahe]. Pero pinaiikot-ikot kami. Ang sabi kung kulang ang sasakayan, ang serbisyo namin ang susuporta, pero lahat ng ruta ng jeep na tinatakbuhan na namin, nilalagyan na nila ng bus at modern jeep. Ano pang mangyayari sa amin? May inaantay ba kami? Binobola lang kami,” dagdag pa nito.

Maaalalang naunang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa papayagan ang mga jeep dahul sa face to face ang set up ng mga pasahero nito.

“Wala na kaming pupuntahan pa, ipe-phase out na kami. Gawin naming private vehicle? Hindi naman papasa iyan,” hinaing pa ni De Luna.

“Kaya may binabalak kaming pagkilos. Ipapakita namin na mahalaga pa rin kami sa lipunan at hindi dapat balewalain ng gobyerno ang traditional jeepneys.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.