Trending post ng Bato Catanduanes police chief, sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang hepe ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes matapos ang post sa social media tungkol sa Tarlac shooting.

“Paimbestigahan pa rin po ‘yung chief of police kahit na po nirelieve na siya. Procedures pa rin po natin,” pagkumpirma ni Police Brigadier General Ildebrandi Usana.

Ayon kay Bicol Police chief Police Brigadier General Bartolome Bustamante ang pagkakasibak ni Police Captain Ariel Buraga ay kahilingan ni Bato Mayor Juan Rodulfo.

Giit ni Usana na may polisiya ang kapulisan patungkol sa pag-po-post sa social media.

Matatandang binatikos ng mga netizen si Buraga sa saloobin nito sa nangyaring pagpaslang sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

“Lesson learn kahit puti na ang buhok o ubanin na tayo eh matuto tayo rumespeto sa ating mga kapulisan. Mahirap kalaban ang pagtitimpi at pagpapasensya.”

“RIP Nanay and Totoy,” saad ni Buraga sa isang Facebook post na nabura na sa social media.

Kaninang umaga ay kinondena ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang post ni Buraga.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.