Trillanes na-inspire sa pagkabasura ng kasong rebelyon

Ikinatuwa ni dating senator Antonio Trillanes IV, Martes, ang pagkakabaligtad ng Court of Appeals sa desisyon ng Makati Region Trial Court na buhayin ang kanyang kasong rebelyon.

Aniya, ‘inspiring’ umano ang nangyaring desisyon ng appellate court, at nagpapatunay na may mga mahistrado pa ring nananatiling patas at tumatangging magpaimpluwesya sa politika.

“Nakaka-inspire rin in a way dahil mayroon pa rin tayong mga justices na talagang malinaw ‘yong pananaw sa ating batas at rule of law at hindi nagpapadala, nagpapagamit, at nagpapa-intimidate dito sa mga galaw ni Duterte,” tirada ni Trillanes sa Pangulo.

“Maliwanag ang desisyon nitong Court of Appeals. Puwede [silang] mag-file for motion for reconsideration, dadalhin sa Supreme Court yan but I believe masyado kasing crippling yung sinabi ng Court of Appeals sa posisyon ng gobyerno,” dagdag pa ng dating senador na kilalang kritiko ng Pangulo.

Giit pa ni Trillanes na imposible nang mabuhay ang kanyang kaso dahil nabasura na nga ito.

“Gusto nila buhayin yung na-dismiss na kaso, alam ng mga abugado na hindi talagang nagyayari ‘yan, parang patay na yan eh at di mo kayang buhayin yan… pinilit nila kaya umabot ito sa CA at lumabas na… erroneous yung naging desisyon ng judge,” aniya pa.

Sa March 1, 2021 decision, binaligtad ng CA 6th Division ang kaso dahil sa “grave abuse of discretion” na atas ni Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda, na nagbubuhay sa kasong rebelyon ng dating Senador.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.