Trillanes naglabas ng mga ebidensiya laban sa akusasyon ni ‘Bikoy’

watch the video here:

Inilantad ni outgoing Senator Antonio Trillanes IV ang mga ebidensiya niya na magpapatunay na hindi totoo ang alegasyon ni Peter Joemel Advincula hinggil sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Iprinisinta ni Trillanes sa ginanap na press conference sa Senado ang umano’y mga text message ni Advincula sa clergies na hiningan nito ng tulong para maging santuwaryo noong nakaraang taon, maging ang video ni Advincula na nag-aakusa sa ilang tao.

“Yung mga alegasyon ni Bikoy na meron daw ouster plot, meron daw script na ginagawa para siraan itong Duterte adminsitration. So, ipapakita ko ngayon na hindi po totoo yan, wala pong ouster plot at lahat nung mga inilabas ni Bikoy dun sa kanyang mga videos ay galing sa kanya,” Trillanes said.

Isa sa mga series ng screenshots ng text messages ni Advincula ang nagsasabing, “Padre kunan mo na aku ng video para may marecord ka ng testimonya ko! Yung sa maghintay kaya ko yun padre! Pero yung sisihin palagi aku yun ang d ko kaya padre! Planu ko ng tapusin ang buhay! Ang sakit sakit na ng ulo ko!”

Sa isa pang text message makikita naman ang paghingi ni Advincula ng pera para sa upa sa bahay at pamasahe.

Ani Trillanes, sa naturang mga text message, maipapakita na walang ouster plot at si Advincula mismo ang nagboluntaryo na magbigay ng mga impormasyon sa mga pari.

“Makikita niyo ‘yung tema ha, siya ‘yung nangungulit dun sa mga nagkukupkop sa kanya. Kabaligtaran ‘yan dun sa kanyang alegasyon na ito ay sinusubo sa kanya na siya ay parang robot na sinususian lang, so baligtad. Wala kang makikitang ouster plot diyan. Wala kang makikitang sinusubuan siya ng script nang kung sinuman,” wika ni Trillanes.

Makikita rin umano sa video na hindi scripted ang pahayag ni Advincula

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.