Trillanes, nakabalik na galing ng ibang bansa at dumiretso sa QC MTC para magpiyansa sa kasong sedition

Matapos lumapag kaninang pasado alas-7:40 ng umaga sa NAIA 3, agad na dumiretso sa Quezon City MTC si dating Senator Antonio Trillanes para mag-post ng P10,000 piyansa sa kasong sedition.

Kasunod ito ng warrant of arrest na pinalabas ng Quezon City Metropolitan Trial Court kay dating Sen. Antonio Trillanes IV at 10 iba pa na una nang kinasuhan ng DOJ dahil sa kasong Conspiracy to Commit Sedition.

Inilabas ang arrest warrant ng Quezon City MT branch 138 laban kina Trillanes, Peter Jomel Advincula alyas Bikoy na itinuturong nasa likod ng Ang Totoong Narcolist videos.

Sina Trillanes, at 10 iba pa na sinasabing nagsabwatan sa pagawa ng serye ng mga videos na nag-uugnay sa Pangulong Duterte at sa pamilya nito sa Illegal drug trade.

Sa kanyang pagdating sa NAIA, hindi inaresto si Trillanes ng NBI-NAIA dahil wala silang kopya ng warrant of arrest laban sa dating senador.

Sakay si Trillanes ng Qatar Airways flight QR 934 nang dumating sa NAIA MULA Doha, Qatar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.