Trillanes natuwa sa nominasyon sa 1Sambayan

Isang karangalan para kay dating Senator Antonio Trillanes ang nominasyon ng opposition coalition 1Sambayan para sa dalawa sa pinakamataas ng posisyon sa gobyerno.

“Isang malaking karangal na maisama sa mga pagpipilian ng 1Sambayan coalition para sa pagka-presidente ng bansa. Nagtitiwala kami sa wisdom ng mga convenors ng 1Sambayan at naniniwala kami na ito ang tanging vehicle tungo sa pagpanalo ng oposisyun sa 2022,” ani Trillanes sa isang tweet.

Una nang sinbi ng dating senador na dapat pro-demoracy ang manalo sa susunod na eleksyon.

“Dito nakasalalay ang survival ng ating bansa kaya napakahalaga na manalo ang mga pro-democracy force at kami ay naniniwala na ang tanging behikulo para sa tagumpay na ito ay and 1Sambayan coalition,” giit ni Trillanes.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.