Trillanes niresbakan ni Pangulong Duterte

“Parang aso, walang utak”

Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Senador Antonio Trillanes IV makaraang muling buhayin ng mambabatas ang alegasyon na may pinaboran si Duterte at Sen. Christopher “Bong Go” na kompanya para sa frigate deal ng Armed Forces of the Philippines.

Sa ulat, nito lamang Enero 9 ay nag-upload si Trillanes sa kanyang Twitter page patungkol sa umano’y korapsyon ni Pangulong Duterte at Go.

“Every transaction, lahat — pati ‘yung sinasabi ng barko. Itong p aso si Trillanes. Nandiyan na ‘yung ano, naka-parking na iyon, sila ‘yung nagbili. Tapos ito nagya-yawyaw sila, ako pati si Bong. P**i. Loko-loko talaga iyan. Parang aso, walang utak,” diing pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi.

Matatandaang, Pebrero 2018 nang panindigan ni Senador Bong Go na noon ay Special Assistant to the President pa lamang sa Senate hearing na wala siyang kinalaman sa kontrobersiyal na P15.7 bilyong Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy.

Sa pagdinig ng Senado hinggil sa sinasabing iregularidad sa frigate deal, sinabi ni Go na siya’y idinadawit lamang sa isyu upang siraan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Inosente at dinamay lang po ako sa isyung ito upang siraan ang administrayon ni Pangulong Duterte,” pagbibigay-diin ni Go.

Nakaladkad ang pangalan ni Go sa frigate deal matapos umano siyang makialam sa nasabing kontrata.

“I did not intervene in the acquisition of the two frigates by the DND (Department of National Defense) nor interfere in the selection of its combat management system. That being said, I have no reason to cower and hide behind an executive session. I’m ready and willing to face all these accusations in a public hearing,” wika ni Go.

Pagpapatuloy niya na hindi na dapat tinatanggap ang mga proyekto kung saan idinadawit ang kanyang pangalan at ang pangalan ng pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.