Trillanes sa kasong kidnapping ng PNP, malinaw lang na harassment at persecution

Itinanggi ni dating senador Antonio Trillanes IV ang akusasyon ng kidnapping sa isang Guillermina Lalic Barrido at tinawag itong harassment at persecution.

watch the video here:

“Never ko na-meet yan si…Barrido. San ka makakita na pari at madre raw ang kasama ko sa pagkidnap at sa kumbento pa raw siya dinetain,” pahayag ni Trillanes.

“Bukod pa dyan, 2016 pa raw siya kinidnap pero ngayon lang nag-file ng kaso,” dagdag pa nito.

Ito ay matapos ang pagsasampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng kasong kidnapping with serious illegal detention laban sa dating senador at tatlong iba pa.

“Ito na naman ay maliwanag na harassment case at persecution ni [President Rodrigo] Duterte laban sa kanyang mga kritiko,” giit ni Trillanes.

Napagsabihan lang din aniya siya na nagkusang-loob si Barrido na magsalita laban kay Duterte ngunit agad ding bumaliktad.

“Ang impormasyon ko dyan ay isa syang nagboluntaryong magtestigo laban daw kay Duterte pero butas-butas ang kwento at nanghihingi diumano ng pera kapalit ng kanyang salaysay kaya hindi tinanggap bilang testigo.Tapos nang hindi nabigyan ng pera, bumaliktad,” paliwanag pa ni Trillanes.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.