Trillanes tatakbong presidente? walang pag-asang mananalo sa 2022 – Atty. Gadon

Walang pag-asang mananalo bilang pangulo ng Pilipinas si Dating Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ang inihayag ng private law na si Atty. Larry Gadon, sa panayam ng Sonshine Radio.

Nilinaw naman ni Gadon na walang problema kung tatakbo si Trillanes bilang pangulo dahil may kalayaan ito bilang residente ng bansa.

Aniya pa, mas mainam na pambato ng oposisyon si Trillanes kaysa kay Vice President Leni Robredo.

Una namang nagpahayag si Trillanes ng kagustuhan nitong tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2022 presidential election kasunod ng impormasyon na si VP Leni Robredo ay naghahanda na para sa kanyang kandidatura bilang gobernador sa Camarines Sur.

Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon si Robredo para sa naturang isyu.

Samantala, inihayag din ni Gadon na umaasa itong uusad na ang impeachment case na inihain nito laban kay Associate Justice Marvic Leonen.

Lalo na aniya at nabigyan na ito ng pagkakataon ng ombudsman na makakuha ng kopya ng saln ni Leonen.

Naniniwala si Gadon na ang hawak nyang dokumento na nagpapatunay na labing limang beses na hindi nagdeklara ng SALN si Leonen ay mabigat na ebidensya para mapatalsik ito sa pwesto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.