Trillanes todo pasalamat sa Panginoong Diyos, Judge Andres Soriano ng Makati RTC 148 matapos ibasura ang hiling ng DOJ na arestuhin sa kasong kudeta

Watch the video here:

Trillanes: Nagwagi ang hustisya at demokrasya

Todo pasalamat si Sen. Antonio Trillanes IV sa Panginoong Diyos at sa judge na sa kabila umano na tinatanggap na “pressure” sa Duterte administration ay pinanaig ang hustisya at batas sa bansa.

Ang pahayag ng senador ay kanyang ginawa matapos na ibasura ni Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court Branch 148 ang kahilingan ng Department of Justice (DOJ) na ipaaresto siya at patawan ng hold departure order kaugnay ng kaso nitong kudeta.

trillanes-order-to-set-for-hearing-hon-andres-soriano-sept52018-001

Setyembre 4 nang hilingin ng DOJ sa Makati RTC Branch 148 ang arrest warrant at hold-departure order matapos ipawalangbisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation 572 ang amnestiyang ipinagkaloob sa senador noong 2011.

Ang Branch 148 ang korteng humawak sa coup d’etat case dahil sa Oakwood mutiny na kinasangkutan ni Trillanes noong 2003.

Ayon sa Proclamation 572 ni Duterte, palpak ang naging aplikasyon ni Trillanes para sa amnestiya kaya wala itong bisa sa simula pa lamang, dahilan para muling dinggin ang mga kasong hinarap noon ng senador.

Nauna nang naaresto si Trillanes noong Setyembre 25 sa utos ng Makati RTC Branch 150 kaugnay naman sa kasong rebelyon dahil sa 2007 Manila Peninsula siege pero agad siyang nakapagpiyansa.

Sa 33-pahinang resolusyon ni Judge Soriano sinasabing kinikilala pa rin ng korte ang Proclamation No. 572 ni Pangulong Rodrigo Duterte na legal at nagpapawalang bisa sa amnestiya ng senador.

“Tayo po ay nagpapasalamat sa Panginoon na pinagbigyan niya lahat ng mga nanalangin na manaig ang tama. Pangalawa, nais kung pasalamatan si Judge Soriano who singlehandedly upheld justice and the rule of law in our country despite extreme pressure coming from Duterte regime,” ani Trillanes sa interview sa Senado.

 

Facebook Comments

1 thought on “Trillanes todo pasalamat sa Panginoong Diyos, Judge Andres Soriano ng Makati RTC 148 matapos ibasura ang hiling ng DOJ na arestuhin sa kasong kudeta

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.