TRILLANES UMAASA NG MILAGRO SA DESISYON NG MAKATI RTC BRANCH 148

Matapos maaresto at makapagpiyansa sa Makati RTC Branch 150 handa raw si Trillanes sakaling arestuhin para sa non-bailable na kasong kudeta
Handang sumuko ng mapayapa si Sen. Antonio Trillanes IV sakaling mag-isyu ng panibagong arrest warrant ang Korte para sa isa pa niyang kasong kinakaharap na kudeta sa Makati RTC Branch 148.
Sa kanyang pulong balitaan sa Senado, tuwirang sinabi ni Trillanes na kanyang isusuko ang kanyang sarili sa arresting team kapag may bitbit na bagong arrest warrant.
Aniya, dahil submitted for resolution na ang nabanggit na kasong kudeta laban sa kanya, hihintayin na lamang niya sa Senado kung ano ang magiging desisyon ng Korte.
Matatandaan, noong isumite for resolution ang kanyang naunang kaso ng rebelyon sa Korte, kinabukasan agad nagpalabas ang Makati RTC Branch 150 ng arrest warrant at agad ding inaresto si Trillanes sa kasong rebelyon, pero, ilang oras ang nakaraan, si Trillanes ay nakapagpiyansa ng P200k para sa kanyang pansamantalang paglaya at siya’y muling bumalik sa Senado.
Samantala, ang bagong kaso ng kudeta laban kay Trillanes ay hindi maaaring mapiyansahan.
Sa ngayon, nanatili parin sya sa loob ng Senado at nagpupulong ang mga abogado ni Trillanes para sa kanilang mga dapat isasagawang susunod na aksyong ligal.
Mga reaksyon ng mga netizens:
Source: Facebook
1 thought on “TRILLANES UMAASA NG MILAGRO SA DESISYON NG MAKATI RTC BRANCH 148”