Tulong para sa buntis na NPA leader na sumuko, tiniyak ng militar

Tiniyak ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) Commander LtGen. Greg T. Almerol ang tulong ng militar para sa buntis na NPA leader na sumuko noong Agosto 1 sa Sitio Lamuak, Barangay Catilacan, Pikit, North Cotabato.

Kinilala ni Lt. Gen. Almerol ang NPA leader na si Ariane Jane Ochate Ramos alias Marikit, ang Secretary of Guerrilla Front 55 (GF55), Sub-Regional Committee 5 (SRC5), Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).

Si Marikit ay karelasyon ng isa pang mataas na NPA leader na si Daniel Bandalan alias Regoy, ang Commanding Officer of GF55, SRC5, SMRC, na ama ng kanyang ipinagbububtis.

Sinabi ni Lt. Gen. Almerol na nakikipag-coordinate na ang militar sa mga kinauukulang ahensya ng gubyerno para sa mga pangangailangan sa panganganak ni Marikit.

Aasiste din aniya ang militar para mabigyan ng tulong pinansiyal si Marikit at mga benepisyo sa ilalim Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip.

Umaasa naman si Lt. Gen. Almerol na makukumbinsi din ni Marikit ang ama ng kanyang ipinagbubuntis na magbalik loob narin sa pamahalaan upang makapagsimula sila ng bagong buhay bilang isang pamilya.

Inaasahan din ng militar ang pagsuko ng mga iba pang miymebro ng GF55, na kalimitang ginagawa ng mga NPA kasunod ng pagsuko ng kanilang lider.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.