Unilateral holiday ceasefire na idineklara ng CPP-NPA, patibong lang – Sec. Lorenzana

lorenzana

Ang central committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay nagpahayag kahapon ng limang araw na tigil-putukan para sa Pasko at Bagong Taon.

Ang ceasefire, sinabi ng CPP, ay magkakabisa mula Disyembre 24 hanggang Disyembre 26 at mula Disyembre 31 hanggang Enero 1, 2019

Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na patibong lang ng New People’s Army (NPA) ang kanilang pagdedeklara ng unilateral ceasefire ngayong kapaskuhan.

Ayon Kay Lorenzana, siguradong gagamitin lang ng NPA ang naturang ceasefire para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo sa December 26.

Base sa karanasan, kalimitang ipinagdiriwang ng NPA ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng pag-atake sa mga military at civilian targets.

Ayon kay Lorenzana, posibleng taktika lang ng NPA ang ceasefire para makapaglunsad ng surprise attack sa mga army detachments.

Una nang sinabi ni Lorenzana na hindi siya pabor na magdeklara ng suspension of military operations ang pamahalaan ngayong kapaskuhan, dahil gagamitin lang ito ng NPA bilang pagkakataon na makapagpalakas ng pwersa.

Ang unilateral ceasefire na idineklara ng NPA ay epektibo mula alas-dose uno ng Disyembre a-beinte kuwatro hanggang alas-onse singkuwenta’y nueve ng Disyembre a-beinte sais; at alas-dose uno ng Disyembre a-trenta’y uno hanggang alas-onse singkuwenta’y nueve ng Enero a-primero.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.