UP Diliman, pinasok ng mga sundalo kaninang umaga

Sa gitna ng kontrobersiya sa pagkansela ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan, na nagbabawal sa mga pulis at sundalo sa loob ng University of the Philippines, pinasok ng mga tropa ng 7th Civil Relations Group (7CRG) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang UP diliman campus kaninang umaga.

Ayon kay Major Celeste Frank Sayson, Commander ng 7CRG, pakay nila na bisitahin ang “community gardens” na itinayo nila sa UP sa tulong ng UP community, na bahagi ng proyektong “Raise To 1 Million Gardens in the NCR.”

Ayon kay Col. Sayson, sinimulan nila ang proyekto para makatulong sa mga nawalan ng habapbuhay, at makatiyak sa supply ng pagkain sa Metro Manila sa gitna ng pandemya, sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay sa mga bakanteng lupain sa kalunsuran.

Sa ngayon aniya, ay anim na community gardens sa loob ng UP Campus ang kanilang mini-maintain.

Bukod dito, sinabi ni Sayson, na sa panahon ng pandemya ay labas pasok sila UP na naka-uniporme gamit ang mga sasakyan ng militar, para maghatid ng pagkain at relief goods sa mga nanangailangan sa Barangay UP Campus, bilang bahagi ng kanilang “kapwa ko sagot ko project.”

Sa pamamagitan naman aniya ng proyekto na ito, ay nakapaghatid ang militar ng relief goods at humanitarian services sa mga residente ng Bgy. UP Campus na kabilang sa 436,140 households sa National Capital Region (NCR), na nakatanggap ng ayuda mula sa militar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.