US Marine na pumatay ng transgender, lalaya na

Dahil sa magandang asal na ipinakita sa loob ng piitan sa nakalipas na anim na taon, pinayagan ng Olongapo Regional Trial Court ang maagang pagpapalaya kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Si Pemberton ang pumatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo noong Oktubre 11, 2014.

Sa desisyon ng Olongapo RTC, kuwalipikado si Pemberton sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil sa pagsunod sa mga regulasyong pinaiiral ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa magandang asal ng isang bilanggo.

Hinatulan siyang makulong noon ng sampung taon dahil sa pagpatay sa 26-anyos na transwoman.

Bago nito, pinagbayad siya ng civil at moral damage sa pamilya ng biktima na P4.2 milyon.

Sa Agosto 2024 pa sana ang nakatakdang paglaya ni Pemberton ngunit dahil sa GCTA ay inaprubahan ng mababang korte ang maagang paglaya niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.