US pharma companies na magsupply ng COVID vaccine sa Pilipinas, walang hinihinging deposito

Walang hinihinging deposito ang mga US pharmaceutical companies na nagdi-develop ng COVID vaccine para sa pagsu-supply nila ng bakuna sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Philippine Ambassador to United States Manuel Romualdez kasunod na rin ng mga nauna nang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pharmaceutical companies na humihingi ng advance payment para sa procurement ng bakuna.

Ayon kay Ambassador Romualdez, ang tanging nais lamang ng mga nakipag-uganayan sa kaniyang US pharmaceutical companies ay kontrata o purchase order na pirmado ng bansa, kung saan nakasaad kung gaano karaming bakuna ang bibilhin ng Pilipinas.

Ayon sa ambahador, kailangang malaman ng mga kumpaniyang ito ang bilang ng bakunang kailangan ng Pilipinas, upang agad na maipagtabi ng supply ang bansa, dahil nakikipag-usap rin aniya sila sa iba’t ibang mga bansa.

Sinabi ni Ambassador Romualdez na mayroon nang country manager ang Pfizer na nandito sa bansa at nakikipag-usap na sa Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) para sa posibleng pagsu-supply nila ng COVID vaccine sa Pilipinas sa unanag quarter ng 2021.

Matatandaan na una na ring sinabi ng ambahador na ang bakuna ng Pfizer ang posibleng maunang maaprubahan sa Amerika, lalo’t nasa 90% ang efficacy ng kanilang bakuna.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.