Utang ni Pacquiao na ₱2.2-B sa BIR at ₱3.5-B proyekto nito sa Saranggani, kinuwestiyon?

Ano na ang nangyari sa ₱3.5 bilyong proyekto na primary sports development and training center para sa probinsya ng Saranggani na isinabatas ni Senator Manny Pacquiao?

Ano na ang nangyari sa ₱2.2-B utang nito sa buwis?

Ito ang mga tanong ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ at Chairman ng SMNI News kay Senator Manny Pacquiao na ngayon ay nasa Amerika para sa pinaghahandaang nitong boxing fight.

Matatandaan na bago umalis ng bansa si Pacquiao, inakusahan nito ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawa o tatlong beses na lumala ang korupsiyon kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Nagpahayag din si Pacquiao na nais nitong tumakbong pangulo sa 2022 elections at isusulong aniya nito ang war on corruption.

Ayon kay Pastor Apollo, kung nais ng senador na maging pangulo at kung talagang hindi ito korup o tiwali gaya ng sinabi nito , dapat nitong sagutin ang mga tanong ng taumbayan kahit pa nasa Amerika ito.

Bukod pa dito, dapat ding ipakita ni Paquiao ang mga ebidensya sa alegasyong korupsiyon nito laban sa mga ahensya ng gobyerno at maging responsableng mambabatas na nakatutok sa trabaho bilang halal ng bayan.

Binigyang-diin pa ng butihing pastor na kung hindi susuriing mabuti ng mga Pilipino ang kanilang ihahalal na pangulo sa susunod na taon ay mas mabuti nalamang na gawing president for life si Pangulong Duterte para patuloy ang pagbabago at pag-unlad ng Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.