Vice Ganda bibida sa bagong network

Sigurado na ngang hindi mawawalan ng trabaho o pagkakakitaan, pagkakaabalahan si Vice Ganda. Dahil sa Friday, July 24 nga ay ilulunsad na ang kanyang lilipatang network.

Yes, may bagong network na paglilingkuran si Vice. Pero, hindi ito TV5 o GMA-7.

Dahil si Vice nga, nagtayo ng sarili niyang network, na tatawagin niyang Vice Ganda Network.

Sabi nga, kinabog na niya ang TV, pelikula at maging ang mundo ng cosmetics. Ngayon, kakabugin naman niya ang universe at makiki-level na siya kay Oprah Winfrey, dahil meron na siyang sariling network!

Imbitasyon nga ng Viva:

“Unang-una kayo at exclusive na exclusive na makakaalam ng anything and everything Vice Ganda sa kanyang bagong-bago at bonggang-bonggang Vice Ganda Network!

Pumunta lang sa official http://www.viceganda.com.ph para una ka sa latest na pa-good vibes ni Vice Ganda araw-araw. Alamin ang latest na Vice Chika, kumuha ng Vice Beauty tips, magkaroon ng chance na makakuha ng Vice giveaways, sumali sa mga Vice palaro at panoorin ang latest Vice videos.

Isa sa dapat abangan ay ang bagong hit online show na Gabing-Gabi na Vice! At simula July 24, first and exclusive niyo na itong mapapanood sa Vice Ganda Network. May bago na kayong late night gimik tuwing Friday at VIP treatment kayo palagi dahil si Vice Ganda ang kasama niyo.
Milyon-milyon ang followers ni Vice Ganda sa kanyang mga social media account, kaya siguradong milyon-milyon din ang kanyang mapapasaya.

So goodbye na rin siya sa ABS-CBN? 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.