Vice President Leni Robredo handang tumulong sa drug war

Simula pa noon, nakahanda na umano si Vice President Leni Robredo na tumulong sa drug war, ayon sa tagapagsalitang si Barry Gutierrez.

Pero ayon kay Gutierrez daanin naman sana sa maayos na usapan at hindi sa text lang.

“Handa naman laging tumulong si VP Leni. Mula noon hanggang ngayon. Kung humihingi na ng saklolo ang Pangulo sa usapin ng ‘drug war’ daanin lang sana sa maayos na usapan — hindi sa text, hindi sa palabas sa media,” aniya.

Hindi aniya maatim ng Bise Presidente ay ang ginagawa siyang scapegoat sa lahat ng pagkukulang ng drug war sa nakalipas na tatlong taon.

“What she will not stand for is being made a scapegoat for all the shortcomings of the ‘drug war’ for the past three and a half years. This admin made the impossible promise to end crime and drugs in six months, and if they are now being called to account for their failure to deliver, they should not blame VP Leni for it,” dagdag pa ni Gutierrez.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.