Vice President Leni Robredo sa pagbasura sa sedition case: Patunay na walang ebidensya laban sa akin

Umaasa si Vice President Leni Robredo na ang dismissal sa kasong sedisyon na isinampa laban sa kanya ang tatapos sa panggugulo sa kanya.

Ani Robredo, malinaw na ang inilabas na resolusyon ng Department of Justice na naglilinis sa kanya sa conspiracy to commit sedition ay patunay na kasinungalingan at political harassment lamang.

“Patunay lang ito sa sinasabi ko noon pang simula: na lantarang kasinungalingang ang batayan sa kasong ito, at ito ay pamumulitika lamang,” aniya sa Twitter.

“Ngayong malinaw na sinabi ng DOJ na walang ebidensya laban sa akin, umaasa ako na ito na ang katapusan ng panggugulong ito,” dagdag pa niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.