Vice President Leni Robredo, sasama sa anti-drug ops

Hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino si Vice-President Leni Robredo, kanyang co-chair sa Inter-agency Council on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na sumama sa anti-drug operation.

Nagkita na at nagpulong na kasi sina Aquino, VP Leni at iba pang miyembro ng ICAD sa Office of the Vice President sa Quezon City kanina.

“Okay iyong meeting namin today. In our coming meetings, I hope mas maraming matutunan si Vice President on law enforcement,” ani Aquino sa joint press conference kasama si VP Leni sabay sabing “Kaya ma’am, I would ask you to join one of our operations. I will be there, together with you”.

Inimbitahan ni Aquino si VP Leni Robredo na makasama ang PDEA mula sa planning stage hanggang sa aktuwal na pagsasagawa ng operasyon.

“Para ma-feel po ninyo kung paano po ang ginagawa ng ating law enforcement agents. Challenge ko po sa inyo, para kung meron kaming lapses, defects, makikita niyo,” aniya pa rin.

Ani Aquino, layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang bise-presidente na malaman ang katotohanan sa anti-illegal drug campaign sa halip na maging limitado lamang ang nalalaman mula pa sa iba’t ibang testimonya hinggil sa war on drugs.

“Para po makita niyo ang actual operation, hindi lang po sa dahil sinabi ni ganito o ganyan,” ani Aquino.

Matapang na tinanggap naman ni VP leni ang hamon sa kanya ni Aquino.

“Gustong-gusto ko iyan,” diing pahayag ng bise-presidente.

Ani VP Leni, hindi siya nabahala sa naunang naging pahayag ni Aquino sa kanya na kulang siya sa kakayahan bilang anti-drug czar.

“I assured Director General Aquino not to worry about that… Huwag na pag-usapan iyong mga nasabi before moving forward. We want to improve the policy, and I was clear that I don’t like that the anti-drug campaign is victimizing the poor,” anito.

Sa kabilang dako, ‘all was well’ kung ilarawan ni Aquino ang pagkikita at pag-uusap nila ni VP Leni sa kauna-unahang pagkakataon. “It is the first time I saw her. I never had the chance to talk to her before, so definitely I felt awkward kanina. Pero ngayon, medyo at home na ako sa kanya,” ang pahayag ni Aquino.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.