Vice President ng PhilHealth na sangkot sa scam, nag-resign na rin

Nagbitiw sa pwesto ang vice president for operations ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na si Augustus De Villa nitong Huwebes.

Isa si De Villa sa mga sangkot na opisyal sa iniimbestigahan korapsyon sa PhilHealth matapos masilip sa Senado ang umano’y mga overpriced item sa alokasyon ng ahensya.

“The Vice Chairman [Ricardo Morales] knows fully well the reason. I briefed him earlier today in his residence in Taguig City,” ayon sa resignation letter ni De Villa, na hindi binigay ang dahilan ng kanyang pag-alis sa posisyon.

Gayunpaman, siniguro niya na tutugon siya sa mga imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa PhilHealth.

“Be assured that I will make myself available for the ongoing investigations in aid of legislation in both Houses of the Congress of the Philippines,” lahad pa nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.