Viral na traffic violator sa Manila, nahaharap sa patong-patong na kaso

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang babaeng modelo na kinilalang si Pauline Mae Altamirano Salamero alyas Maria Hola Sy, 26 na taong gulang, matapos manakit ng traffic enforcer dahil lang sa simpleng paglabag sa batas trapiko.

Ayon sa Special Mayors Reaction Team (SMART) Chief, Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., nangyari ang insidente sa kahabaan ng Osmeña Highway corner San Andres St., Malate, Manila.

Nahaharap ang suspek sa direct assault, resistance at disobedience to a person in authority, at driving without license.

Matatandaan na si Salamero, ay inireklamo ng traffic enforcer na si Marcos Anzures dahil sa pinagsasampal siya ng suspek, matapos itong mahuli na nag-beating the red light sa may Ermita Maynila.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.