Viral Ngayon: Bully Taekwondo kid ng Ateneo High School, nambugbog ng kapwa-estudyante

Makikita sa viral video ang isang Ateneo Junior High student na tila inuudyukan ng isa pang estudyante sa loob ng kubeta habang may isa pang kumukuha ng video.

Maririnig sa video na tila pinapipili ang estudyante kung hahalikan nito ang kanyang sapatos at ang kanyang ari o magpapabugbog na lang, hindi sumagot ang estudyante at dito nagsimula ang bugbugan.

Sa isang statement, sinabi ng Philippine Taekwondo Association na mariin nilang kinukundena ang anumang hindi kanaisnais na pag-uugali “which includes harassment, bullying, and acts of violence.”

“This is not what Taekwondo instills to its practitioners and is a serious matter that we as an association stand against,” ayon pa sa statement.

“The Philippine Taekwondo Association will respect the school’s disciplinary action with the implicated students. We will also further investigate this matter with the individuals involved.”

Nauna nang naglabas ng pahayag si Ateneo de Manila University President Fr. Jose Ramon Villarin at sinabing kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente “with the highest priority and urgency.”

admu

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.