Viral Ngayon: deported OFWs mula sa Jeddah nanakawan ng mahahalagang gamit sa loob ng NAIA

Mga mahahalagang gamit ng ilang OFW mula sa Jeddah, naglaho na parang bula matapos na dumating sa NAIA Terminal 1. Ito ang buong pahayag ng biktima:

Last November 17, 2018 na deport po ako from Jeddah Saudi Arabia. Ang sabi po ng mga pulis o immigration officer sa Jeddah na bawal po namin bitbitin kahit anong gamit, kailangan daw po namin ilagay sa aming bagahe. Kaya po sinunod namin sila. Lahat po ng gamit namin ay nasa bagahe po, tulad ng mobile phones, alahas, at pera. Pagdating po namin sa airport ng NAIA, nagkalat na po ang mga gamit ko, at iba naming kasamang na deport din. Direct flight po kami from Jeddah to Manila. Nawala po ang cellphone ko, mga alahas at pera pati din po sa mga kasamahan namin. Lumapit na kami sa pamunuan ng Saudi, pero ang sabi po maghintay daw kami at babayaran ngunit naghintay po kami pero ang email po samin ay wala daw po silang pananagutan sa mga importanteng gamit namin. Hindi na po namin alam kung saan kami lalapit. Sana matulungan nyo po kami at mapaabot ito kay Pangulong Duterte. – Mah Fe Moskila

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.