Viral video: isang babaeng nagsasayaw sa b-day ng isang opisyal ng PhilHealth sa Region 4-B

Ayon sa Palasyo, Task Force na ang bahala sa kung anong legal na hakbang ang dapat ikasa kaugnay ng lumabas na video ng  isang babaeng sumasayaw na naka-under wear lang sa birthday party ni PhilHealth Regional Vice Presidente Region 4-B Paolo Johann Perez.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nasa Task Force na ang bola partikular sa kung anong asunto ang dapat isampa at kung sino ang dapat idemanda.

Saklaw na aniya ng trabaho ng Task  Force ang pagsilip sa insidente na una na ring nasilip ng Senado.

Video Courtesy: Kabataan for DU30

Makikita sa video na nakaupo sa office chair at napapalibutan ng mga kasamahan nito ang opisyal, habang sinasayawan ng isang babae.

Kaugnay nito’y una na umanong iginiit  ni Perez na pinigilan niya ang programa at sa halip ay sinabihan ang kanyang mga staff na kumain na lamang.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.