VP Leni pinuri ang speech ni Pangulong Duterte sa UN

Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa UN General Assembly nitong nakaraang linggo.

“Ang ganda noong speech,” ayon kay Robredo.

“Noong nakuha natin ang arbitral ruling, hinihintay natin na mag-make ng statement iyong Pangulo na iyong ruling is a part of international law already. Hindi siya puwedeng maging subject of compromise. Hindi siya puwedeng maging subject of negotiation,” aniya.

Umaasa naman si Robredo na itutuloy ng administrasyon ang paglaban sa teritoryo ng Pilipinas.

“Ang nagpapakita nito, Indonesia saka Vietnam, na kahit tuloy-tuloy iyong economic relations nila with China, pagdating sa incursion sa kanilang territorial waters ay hindi sila pumapayag,” dagdag nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.