VP Leni Robredo hindi imbitado sa physical SONA

Hindi kasama si Vice President Leni Robredo sa inimbitahan na dumalo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa.

Sa kanyang radio program on Sunday, nilinaw ni VP Robredo na hindi siya imbitado sa naturang programa.

“Hindi ako imbitado sa House of Representatives … Iyong na-receive namin na invitation ay Zoom, so iyon yung pupuntahan ko.”

Sa kabila nito, lalahok naman aniya siya sa SONA via Zoom videoconferencing.

Giit ng Bise, nais niyang marinig dito ang plano ng Pangulo laban sa patuloy na pagtaas ng COVID cases.

“Ang sinasabi ni Secretary [Harry] Roque, ihahayag ng pangulo ‘yung COVID-19 recovery plan, so ito ‘yung inaasahan natin,” saad ni Robredo.

“Maa-appreciate natin ‘yung recovery plan, pero patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso. So gusto nating marinig ano po ‘yung plano natin para ma-arrest ‘yung pagtaas ng mga kaso.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.