VP Leni Robredo, itinanggi na panis ang ipinamigay na pagkain sa QC frontliners

Itinanggi ni Vice President Leni Robredo na ang ipinamigay na hot meals ng kanyang opisina sa mga frontliners sa Quezon City hospital ay panis na at hindi na maaaring kainin.

“Our team delivering hot meals donated by private individuals said they never received such complaints,” ani Robredo sa Facebook.

Sa deleted Facebook post ng kinilalang si Jacques Phillip, personal na hiniling ni Atty Barry Gutierrez sa mga frontliners ng Diliman Doctors Hospital na manahimik kaugnay insidente.

Sinabi rin na nagtungo si Robredo sa naturang ospital.

“I never went to this hospital. My spokesperson, Atty Barry Gutierrez said he has never visited any hospital during the entire duration of the ECQ/GCQ nor ever called this particular hospital,” dagdag pa nito.

Pinaalalahanan din ni Robredo si Phillip na kumpirmahin ang impormasyon bago pa ito ibahagi sa social media.

“If there was no malice, you should have checked first before posting. You should know that posting fake news makes you criminally liable,” saad nito.

“Please report this fake news peddler who is trying to skip liability with his ‘confirm, if possible’ line.”

“Take screen shots of everything, including those who reposted because we will go after all of them,” dagdag pa ng bise.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.