VP Leni Robredo, nag-negatibo na sa COVID-19

Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo ang lahat ng mga nagdasal para sa agaran niyang pag-recover mula sa COVID-19.

Sa kanyang press statement, inihayag ni Robredo, na negatibo siya sa pangalawang swab test na ginawa sa kanya.

Bukod sa bise presidente, nag-negatibo na rin ang ilan niyang mga staff matapos ang ilang araw na isolation at quarantine.

Dahil dito, tiniyak niya ang muling pagpapatuloy ng serbisyo ng kanyang tanggapan para sa taumbayan.

Si Robredo ay una ng nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo, matapos ang pagkakahawa niya sa isang COVID-positive patient.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.