VP Leni Robredo nanawagan ng bayanihan sa pagharap sa mga problema ng bansa

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na matagal nang bigo ang mga Filipino sa hindi natutugunang pangangailangan.

“Naniniwala ako, ang tugon sa mga suliranin natin, hindi iisa kung hindi bawat isa. Unang hakbang ang pagkilala sa ugat ng mga suliranin,” ani Robredo matapos ang nominasyon ng anti-administration coalition 1Sambayan sa pagka-bise presidente o presidente.

“Maraming pangangailangang hindi napupunan, maraming pangarap na parang hindi matupad-tupad, matagal ng frustrated ang mga Pilipino at ginagamit ng iba ang frustration na ito para pagwatak-watakin tayo, para idiin ang pagkakaiba natin kaysa sa mga bagay na nagbibigkis sa atin,” dagdag ng bise.

Nanawagan ng bayanihan si Robredo upang matugunan ang mga suliranin ng bansa.

Kasama sa nominasyon ng 1Sambayan sina Senator Antonio Trillanes IV, Senator Grace Poe, CIBAC party-list Representative Eduardo Villanueva, lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno, at Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

Inanunsyo na nina Poe at Santos-Recto na wala silang balak tumakbo sa anumang sa dalawang pinakamataas ng posisyon sa gobyerno sa susunod na eleksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.