VP Leni Robredo, pinadi-disqualify sa pagtakbong Pangulo dahil sa vote buying remarks

Pinadi-disqualify ni senatorial aspirant Atty. Larry Gadon sa Commission on Elections (COMELEC) si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa 2022 elections matapos sabihing tanggapin ang perang inaalok ng mga politiko kapalit ng boto ngunit bumoto pa rin ayon sa konsensiya.

Binatikos ngayon si Vice President Leni Robredo kaugnay sa kanyang pahayag sa isyu ng vote buying remarks sa panahon ng eleksyon.

Tugon dito ni Vice President Leni Robredo na tatakbong Pangulo ng bansa sa 2022 elections, dapat raw tanggapin ang pera dahil pondo rin naman ng taumbayan ang pinambibili ng boto.

Payo pa ng bise-presidente sa mga botante, tanggapan ang pera pero bumoto batay sa konsensya.

Pero ang mga pahayag ng ikalawang pangulo, binatikos ng mga kritiko nito.

“Nanawagan ako sa Comelec na imbestigahan at bigyan ng karampatang penalty at disqualification itong si Leni Rolbedo sa dahilan na siya ay nagpo-promote at nagi-encourage ng vote buying. Sapagkat yung kanyang salita na tanggapin niyo ang pera at bumoto ng iba yan ay hayagan na nagi-encourage ng vote buying yung pamimigay ng pera,”ayon kay Atty. Larry Gadon.

Bukod sa panawagang diskwalipakasyon, pinaiimbestigahan rin ni Gadon ang umano’y crowdfunding para sa kandidatura ni Robredo.

Samantala, Hindi sinang-ayunan ni COMELEC Spokesperson James Jimenez ang suhestiyon ng bise presidente at iginiit na ang vote buying ay labag sa batas at hindi dapat sina-suggest sa mga botante.

Para naman kay SaraAll Philippines 2022 co-convenor Peter Lavina, mistula ngang nanghihikayat si Robredo ng vote buying sa mga botante.

Ani Lavina, lumalabas na inamyendahan ni Robredo ang dating “two person offense” na ngayon ay magiging “three-person crime” dahil sa pagpo-promote nito sa nasabing gawain.

Ayon naman kay Comelec Spokesman James Jimenez, election offense ang vote buying kahit ano pa ang intensyon ng mga gumagawa nito.

Diin nito, hindi dapat ginagawa at hindi rin dapat itinuturo sa mga botante ang pamimili ng boto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.