VP Leni sa COVID-19, kayang labanan kahit walang bakuna

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na aabot sa labingsiyam na bansa ang naging matagumpay sa laban kontra Covid-19 kahit wala pang bakuna.

Ang mga bansang ito ay Taiwan, Thailand, Vietnam, Laos, China, Myanmar, Malaysia, New Zealand, Uganda, Togo, Pakistan, Latvia, Luxembourg, Uruguay, South Korea, Finland, Cuba, and Rwanda.

Ani Robredo ang pag-aaral na ito ay inilathala ng isang medical journal.

Matatandaang, binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo matapos magkomento nito na dapat mas mainam pa ang ginawa ng gobyerno sa laban kontra COVID-19.

Bukod pa rito, nagkomento rin ngayon si Robredo na dapat magkaroon na lamang ng periodic assessments kaysa aniya sa pagpapalawig pa hanggang sa susunod na taon ang state of calamity.

Bagay na sinagot ng Malakanyang na ito ay ginagawa na nang regular ng Malakanyang.

Samantala, nanawagan naman ng pantay-pantay na access sa COVID-19 vaccine si Pangulong Duterte.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa high-level General Debate of the 75th Session of the United Nations General Assembly.

Ani Pangulong Duterte ang pandemyang ito ang pinakamahirap na pagsubok na naranasan ng mundo at ng United Nation simula noong World War II.

Matatandaang, noong buwan ng Hulyo, sumali ang Pilipinas sa COVID-19 vaccines global access o COVAX,

Layunin nito na magkaroon ng pantay-pantay na access ang mga kalahok ng bansa sa mga available na bakuna sa taong 2021.

Pinasalamatan naman ni Pang. Duterte ang UN sa pondong binigay nito sa mga bansa na may maliit hanggang katamtamang pondo.

Welcome naman para kay Pangulong Duterte ang UN COVID-19 Response and Recovery Fund na makatutulong sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.