VP Robredo at Sen. Hontiveros binuweltahan ng Malacañang sa paghahanap ng butas vs gobyerno sa gitna ng pandemya

Tinawag na “inconsistent” ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sina Vice-President Leni Robredo at Senator Risa Hontiveros.

Sa gitna na rin ito ng pagbabago ng posisyon ng dalawang oposisyon na pumupuna sa anila’y napakahabang lockdown subalit nang humingi ng time out ang mga health worker ay sumakay ang mga ito sa isyu.

Sinabi ni Panelo na ang dating binabanatang lockdown ng bise-presidente na ikinukumpara pa sa ibang bansa ay bigla na lang naisa- isantabi at nagsabing dapat aniyang pakinggan ang panawagan ng mga nasa medical field na timeout.

Sa panig naman ni Hontiveros ani Panelo ay nagsabi itong militaristic ang paraan ng gobyerno sa lockdown subalit noong August 1 ay nagsalita na naman at gustong ibalik ang lockdown at suportahan ang panawagan ng health workers.

Ayon sa Chief Legal Counsel, walang dudang naghahabol lang ng publisidad ang nabanggit na mga taga-oposisyon sa pamamagitan ng paghahanap ng butas sa pamahalaan kahit ngayong panahon ng health crisis.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.