VP Robredo – Batas, Human Rights, mananaig sa Drug War

Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Huwebes na magpapatuloy ang drug war na may “same vigor and intensity” pero “”within the bounds of rule of law and human rights.”

“‘Yung laban sa illegal na droga will continue with the same vigor, intensity. Ang iibahin natin ay ‘yung manner by which ginagawa ito,” ani Robredo saisang panayam. “Papalitan natin ‘yung metrics, hindi sa numero ng pinapatay pero ‘yun metrics sa numero na pinapaabuting buhay.”

Nilinaw ni Robredo na ang desisyon niyang tanggapin ang trabaho ay hindi konektado sa 2022 presidential elections.

“Kung iniisip ko ‘yung 2022, hindi ko ‘to tatanggapin kasi too much of a risk,” aniya.

“Nadedehado masyado ang mga kababayan ‘pag kaming nakaupo tinitingnan na ang 2022, ‘pag inisip ko ‘yung 2022, aakyat ba ako dito sa bundok na konti ang tao?” dagdag ng bise presidente, na dumayo ng isa’t kalahating oras na hike patungong Sitio Macantog kung saan nagpamigay siya ng solar kits mula sa One Meralco Foundation sa isang paaralan at 60 bahay.

Nang tanungin kung may plano ba siya sumama sa mga police raid o inspeksyon sa Bureau of Customs, sagot ni Robredo’y posible ito.

Nakatakdang makipag-diskusyon si Robredo sa mga opisyal ng mga ahensiyang miyembro ng ICAD sa Biyernes ng hapon, kung saan magaganap din ang briefing mula sa kanyang co-chair na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino.

Hindi pinapansin ng bise ang mga negatibong komento na ibinato ni Aquino bago niya tanggapin ang nasabing pwesto. Sinabi ni Aquino na hindi magtatagumpay bilang drug czar si Robredo dahil sa kakulangan nito sa karanasan.

“Hindi ako apektado ng lahat ng sinabi kasi sa akin trabaho lang ito,” ani Robredo.

Sinabi rin ni Robredo na nakipag-konsulta na siya sa mga dating opisyal sa drug war nang tanggapin niya ang pwesto sa ICAD.

Wala pang plano ang bise presidente sa pagkuha ng kanyang sariling tauhan dahil hindi nalilinaw ang budget at detalye ng kanyang pwesto.

Gayunman, sinabi ni Robredo na nais niyang isama ang mga pribadong sektor tulad ng advocacy groups at ang simbahang katolika sa ICAD.

“Kasi minsan ‘pag lahat gobyerno may tendency na alam mo ‘yun parang magsarili, na hindi nabibigyan ng boses ‘yung iba,” aniya.

Ibinatid din niya na “minimum disruption” lamang ang idudulot ng kanyang anti-drug work sa mga on-going na trabaho niya kasama ang private partners sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga residente sa mga liblib na probinsya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.