VP Robredo di itinalaga bilang Gabinete ni PRRD dahil sa pakikipag-usap nito sa foreign institutions

Kabilang ang mga kaliwa’t kanang pakikipag-usap at paghingi ng payo ni Vice President Leni Robredo sa foreign institutions at personalities, sa mga ikinunsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi ito in-appoint bilang Cabinet member.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagbago ang isip ni Pangulong Duterte na ipabilang ang Bise Presidente sa Cabinet post dahil na rin sa paghingi nito ng access sa mga classified information.

Bukod dito, ang pagiging miyembro aniya ng Gabinete ay magbibigay kay Vice President Robredo ng unlimited access sa mga sensitibong state matters, na kung lalabas aniya dahil sa kaniya, sinadya man o hindi, ay tiyak na magkakaroon ng mga di kaaya-ayang kahihinatnan, lalo’t tila mapagbigay aniya si Vice President Robredo ng mga impormasyon sa mga indibidwal na hindi naman nakatuon sa interes ng bansa.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Secretary Panelo na dapat ay ilatag na ng Bise Presidente ang kaniyang mga programa at ideya para sa anti-illegal drug operation ng pamahalaan, dahil ang binanggit niya na alternatibong paraan ang dahilan kung bakit ito itinalaga bilang drug czar.

Facebook Comments

1 thought on “VP Robredo di itinalaga bilang Gabinete ni PRRD dahil sa pakikipag-usap nito sa foreign institutions

  1. Mr. President fire her right now. She’s destroying your Administration. She’s grandstanding only with her position instead of doing her job. Please Mr. President, ginagawa kang clown in the eyes of our people. Fire her .

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.