VP Robredo, dismayado sa pagiging top 20 ang Pinas sa dami ng COVID-19 cases sa buong mundo

Dismayado si Vice President Leni Robredo sa pagiging ika-20 ng Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo.

“Nauna sila maging masama sa atin pero naayos na nila pero tayo andu’n pa rin tayo sa pataas,” ani Robredo.

Ito ang naging pahayag ng bise patungkol sa Pakistan na naunang tumaas ang kaso ng COVID-19 at ngayo’y ika-21 sa listahan.

“Parang kulang tayo sa paggamit ng datos para tingnan. Ang sama sa loob ko noong nag-top 20 tayo,” aniya.

“Sana iyong mga datos na ito tinitingnan para nakagagawa tayo ng maayos na targets,” giit ng bise.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), maganda ang sitwasyon ng Pilipinas sa bilang ng kaso at mga gumagaling sa sakit.

Iginiit naman ni Robredo na ika-16 ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamaraming aktibong sakit.

Sa kasalukuyan, nagtala ng 319,330 kabuuang kaso ng sakit matapos ang 2,674 na bagong kaso kahapon, Oktubre 3.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.