VP Robredo, handang isapubliko ang kanyang pagpabakuna kontra COVID-19

“More than ready” si Vice President Leni Robredo na isapubliko ang pagtanggap nito ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ang siniguro ng tagapagsalita ni Robredo na si Attorney Barry Gutierrez matapos ang naging hamon ni Senador Bong Go.

Ayon kay Gutierrez, unang linggo pa lamang ng Disyembre 2020 ay idineklara na ng pangalawang pangulo na handa itong isapubliko ang kanyang pagpapabakuna upang himukin ang lahat ng Pilipino na magpabakuna.

Sa pananaw aniya ni Robredo, may dalawang prayoridad ang gobyerno sa isyu.

Ito aniya ay tiyakin ang availability ng ligtas, epektibo, at abot-kayang bakuna at pagtitiyak na maraming Pilipino ang makatatanggap nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.