VP Robredo kay BBM: Concede, accept defeat with grace

Dapat na lamang tangapin ni dating Sen. Bongbong Marcos ang pagkatalo sa 2016 national elections.

Ito ang nakasaad sa komento na inihain ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal kaugnay sa motion for reconsideration ni Marcos.

Hiniling ni VP Robredo sa Korte Suprema na ibasura ang apela ni Marcos dahil sa kawalan ng merito.

Batay sa komento ng kampo ni Robredo, luma na at inulit lamang ang mga ginamit na “grounds” ni Marcos.

Imbes anila na maghain ng MR, mas makabubuting tangapin na lamang ni Marcos ang pagkatalo “with grace”sa VP elections.

Una nang idineklara ng PET na panalo bilang bise presidente noong 2016 national elections si Robredo laban kay Marcos matapos ibasura ng PET ang election protest ni Marcos.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.