VP Robredo kay Marcos, Patas ang pagtrato ng PET

Walang kabuluhan ang mosyon na inihain ng kampo ni dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na humihiling na matangal sa pagdinig sa election protest si Associate Justice Marvic Leonen dahil sa pagigigng bias umano.

Sa kanyang counter manifestation, iginiit ni Vice President Leni Robredo na patas lamang ang pagtrato ng mga mahistrado sa patuloy na pagdinig sa election protest.

Ibinigay anila ng Presidential Electoral Tribunal kay Marcos ang lahat ng pagkakataon upang patunayan ang alegasyon ng umano’y dayaan noong eleksyon.

Nakasaad sa counter manifestation na kung ituturing na bias si Leonen, ay maari na rin ba na akusahan ng pagiging bias si Chief Justice Diosdado Peralta dahil sa desisyon nito na payagan na mailibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Bukod dito, ang PET ay kinabibilangan ng appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayid umano ng publiko na hindi malapit sa bise presidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.