VP Robredo kinuwestyon ang reduced distancing sa public transport

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang scientific basis sa desisyon ng gobyerno na bawasan ang physical distancing sa public transportation ngayong coronavirus pandemic.

“Iyong sa akin lang, nakabase ba ito sa siyensiya? Iyong 0.3 nakabase ba siya sa siyensiya? Kung iyong point nito, iyong mas marami iyong kita ng drivers, na okay naman, pero may ibang mas epektibong paraan,” lahad ni Robredo.

“Ako, baka mayroon naman silang basehan. Actually, noong nabasa ko iyong balita kahapon, naghahanap ako ng datos na nagsasabi na okay iyong less than 1 meter, pero wala akong nahanap. So hindi natin alam kung ano iyong basis ng DOTr.”

Kasabay nito ay nanawagan din ang bise sa service contracting sa public transportation sector ngayong pandemic.

“Bayaran sila (drivers), hindi nakabase sa ilang pasahero ang nakasakay. Kasi kapag nakabase sa ilang pasahero ang nakasakay, parating maghahabol ng boundary iyon. Sana service contracting, para mas madali ma-impose iyong social distancing,” paliwanag ni Robredo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.