VP Robredo: May karapatan akong maging kritiko ng gobyerno

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na may karapatan siyang maging kritiko ng gobyerno.

“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko. And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” saad ni Robredo.

Punto pa ng bise na walang malinaw na direksyon ang pamahalaan sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“And I think nakikita ito during the press conferences. Ako I have been religiously watching the Monday press conferences. Dapat sana ‘yung press conferences for me dapat reassuring, dapat ‘di ba? Alam mo ‘yun,” dagdag pa nito.

Ikinumpara ito ni Robredo sa iba pang lider kagaya ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern at Taiwan President Tsai Ing-Wen.

“Parang ‘pag humaharap sa publiko parang ‘yung plano nakalatag. Parang ako kung makikinig ako alam ko kung ano ang ie-expect ko ngayong linggo, ano ‘yung mangyayari, ano ‘yung targets, ano ‘yung nangyari du’n sa targets last week. Pero frustrating panoorin na parang alam mo ‘yun parang walang sense of urgency. And I think detrimental ito lalo sa mahihirap,” saad ni Robredo.

Dagdag pa nito na marami siyang nakikitang kakulangan sa tagal ng pagsasailalim sa lockdown.

“’Yung sa akin I know that I will be criticized for it. I know na ito-troll na naman ako pero I think may bigger responsibility at stake and maraming tao ang hindi nabibigyan ng pagkakataon,” lahad nito.

Ani Robredo na gagamitin niya ang posisyon niya bilang bise-presidente upang maging boses ng madla.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.